I am Bianca. 17. College Sophomore. I'm self-indulgent but still, I remain selfless. I don't dream, I set goals. I love God. I am effortless, `cause I'm always me. :)

Talk to me, I'll listen to your story.. I'll share you my Life.

ADD ME ON FACEBOOK:
www.facebook.com/biancanesz

FOLLOW ME ON TWITTER:
@bianceeeey







Baka hindi kasi talaga.

Pareho nga kami ng room, magkaibang sched naman. Hay. Sorry, nalulungkot lang talaga ako. Di talaga meant to be (Chos OA hahaha) Sabi na e, hindi na talaga magging kagaya ng dati. Pano na to? Mas madadalian ba ako? Hays. <////3 =)))) Hahaha.


Posted 3 days ago with ?
REBLOG THIS POST?



To My 1-ALBERT. ♥

Dear 1-Albert,

Hallerpaks! Ano na? Nganga tayong lahat. Sobrang reshuffle yung ginawa no? Mukhang mas may pag-asa pa manalo sa lotto kesa mabuo yung block natin. -_- Sa totoo lang, naiiyak ako. Pero ayoko umiyak. Pero ayan na iiyak na yan! Pero wag talaga kasi tatapusin ko pa tong message ko sa inyo. Simulan na ang laban.

Salamat! Alam ko ilang beses na ako nagsabi ng salamat, pero this time walang hanggang pasasalamat na. Salamat kasi tinanggap niyo ako, maski yung flaws ko. Salamat kasi pinili niyo ako maging president ng block natin sa di malamang kadahilanan na nagsimula lang naman sa sigawan ng mga kaklase sa likod. Salamat kasi kahit sobrang down ako or dina-down ko yung sarili ko, di niyo pina-feel sakin na ganun nga yung dapat ko maramdaman. Sinuportahan niyo ako, mula sa pagsasabi kong maganda ako nung first day hanggang sa huling note na inabot ko sa sintunado kong pagkanta. Imba kayo friends! Kung di lang masakit at bawal yung tattoo sakin, ipapa-tattoo ko pangalan niyo e. Full name tas kasama pa favorite color niyo pati crush. Salamat sa lahat ha? Lahat kayo naging makabuluhang part ng 1st year ko sa college (Naalala ko nung valentine’s day, dun ko na-feel yung pagiging babae ko hahahaha). It will never be this fun and amazing without you guys.

Mahal na mahal ko kayo sobra pa sa inaakala niyo. ♥ Ewan ko ba, parang kayo yung mga brothers and sisters na hindi naibigay sakin (pwede rin namang asawa/soulmate/boyfriend/pinsan/lola/lolo/tito/tita yung iba). Basta sobrang mahal ko kayo. Hindi ko na kailangan i-explain to. Sana naramdaman niyo kahit konti dun sa pagmamahal ko. :”“”> Dahon ba kayo? DAHON-ly one for me? Hindi na ako si Bianca, ako na si John Michael. Nan-JOHN  ako palagi pag MICHAEL-langan kayo. Asin ba kayo? Kasi I love you.. ALAT. (Okay ang corny ko, bat di pa ako nagbigti)

Sorry. Sorry kung may mga nasaktan man ako physically, emotionally, mentally, I’m so lovely. Pero ilalaban ko talagang maganda ako, naniniwala naman kayo di ba? Last na to oh. :>

Naalala ko, 1 year ago.. Humiling ako kay God na sana yung block na mapuntahan ko e masaya, may tamang timpla, may thrill, open-minded.. Tapos ang binigay niya sakin.. HIGIT PA SA HINIHILING KO. Kayo yun 1Albert, 1Aberlets. ♥

Kung di dahil sa inyo, hindi siguro ako ganito ngayon. Maraming akong natutunan sa inyo. May mga nabago akong pananaw, mas naging selfless ako… Mas naging ako si Bianca. :) 

Walang kalimutan mga parekoy ha? Kasi ako hinding hindi ko kayo makakalimutan. Sobrang mamimiss ko kayo. Next time, sa maraming pagkakataon, jammingan ulit tayo ha? Pwede ko ba kayo i-keep? I love you guys! ♥

Mula sa artistahing blockmateforever,

Bianceeeeeey. ♥

P.S. Madami pa akong gustong sabihin pero baka tinatamad ka na, yung powerpoint nga lang sa PGC ayaw mo na, pano pa to? Hahahaha. :*


Posted 4 days ago with 3 notes?
REBLOG THIS POST?



28.

Ngayong araw pang-28 na day sana na hindi kami nag uusap. Sayang di umabot ng 30, but I’m happy. :)

Nakakatuwa lang kasi ganun parin siya, magulo, makulit, baliw, masaya kausap.. Mamimiss ko yan ng sobra. Magkaiba kasi kami ng sched ngayon. Pero sana ma-grant yung request ko na malipat ako sa AM ( I have valid reasons naman, hindi siya. Hahaha.) 

Parang di meant to be no? Di ko na nga ka-block, tapos yung sched pa alternate. Oh well, at least kahit papano masaya ako ngayon. :> Wala lang, feel ko lang i-share. Kung binasa mo man to salamat. :)

P.S. Mamayang gabi ipo-post ko yung full message na gusto ko sabihin sa kanya pero di ko masabi. Share lungs! :P


Posted 4 days ago with ?
REBLOG THIS POST?






I miss them. :)
Lovely college friends indeed. Sila yung perfect example ng mga taong maganda inside and out. Sobrang mahal ko tong mga to. :) ♥
Madami pa sila actually. :)

I miss them. :)

Lovely college friends indeed. Sila yung perfect example ng mga taong maganda inside and out. Sobrang mahal ko tong mga to. :) ♥

Madami pa sila actually. :)


Posted 1 week ago with 1 note?
REBLOG THIS POST?




Lady Gaga

Hindi ko alam kung bakit nagpo-protesta sila para matigil concert ni Lady Gaga. Ano ba talagang problema? 

Hayaan nalang ninyo siya mag concert dito at manood fans niya, 2 araw lang naman yun e. Wala yun kumpara sa daandaang araw tayong nagkakasala. E sa concert makikinig lang naman sila sa mga kanta niya, magsasaya. Hindi ba pwede yun?

Catholic ako, alam ko may mali sa paniniwala ko.. Pero sa paraang yun mas nawoworship ko si Lord. Mas napapaigting ko yung faith ko. Hindi naman siguro tamang i-judge nalang bigla si Lady Gaga dahil sa damit na sinusuot niya, dahil sa music video niya.. E yun yung kinabubuhay niya e. Yung iba nga nagnanakaw, nanloloko..

Illuminati siya? Devil puppet? Bakit? Dahil lang ba naisipan niya maglagay ng sungay sa isang music video niya? So pano yan, Illuminati na din ako dahil pag Halloween bumibili ako ng kung anu-anong costume na malala pa dun?

Guys, wake up! Wag na palakihin yung issue na `to. Kasi hindi naman niya mababago buhay niyo e. Bat di nalang yung mga tao sa Crocodile Farm (GOBYERNO) natin ang tuligsain e mas mahabang panahon naman natin makakasama yang mga nagc-claim na leader ng bansa? Bat di na lang tayo tumulong sa iba in our own little way kesa eto pinagkakabalahan? Hays. Tao nga naman.

Hindi namans a pinagtatanggol ko si Lady Gaga, pero excuse me.. Hindi na nakakatuwa pagka OA.

ACT WITH THE WORDS YOU SPEAK. 

Baka naman nagkukunwari ka lang?


Posted 1 week ago with ?
REBLOG THIS POST?